|
tunein to my soul
My music reflects me. | ||||||||
|
profile, blog entries, tagboard and links |
Wednesday, July 14, 2010, 5:26 PM
Immune
Minsan sinasaksak ko nalang sa utak kong malawak pero walang laman, na hindi ako icha-challenge kung hindi ko kaya. Hmm. Ok. Pwede naren. Pang maangas yung dating. Eto ang bagay sa mga tulad kong pinanghihinaan ng loob kaya kung pwedeng humugot ng lakas sa pagiging confident o (cge na nga, yung mas makatotohanang salita na) mayabang ay gagawin ko. Kung gagamitin ko ang natitirang taba sa utak ko, at iisipin ko kung bakit ba kasi pinasok ko pa tong pagmimilitar, ay naku, labanan na ng pusong sagana sa bitamina at utak na pinagdamutan ng sense. Napaka-healthy ng puso ko kaya! Madaming alam. Lahat ng emosyon kayang maramdaman. Hindi nga ba't kinakabahan ako buong araw mula nang ibalita sa akin na sa imbes na July 26 ang alis ko ay July 19 na. Winasak ang mindset ko na may 12 days pa ako. Minsan na nga lang magfeeling na kayang kontrolin ng aking pag-iisip ang bagay bagay, nabokya pa. Kaya ko na ba? Malay ko. Siguro oo. Malamang hinde. Madali naman kasi maniwala na kaya mo eh. Andali sabihin na "kaya ko toh aja!" pero iba paren pag sinubukan mo na talaga. Sisiw lang ang pagtakbo ng 1.5 miles in 15:30minutes. Dali sabihin! Pero mahirap gawin. Ano ba naman ang 16 push-ups at 46 sit-ups in 2 minutes. Simple lang naman. Simpleng imaginen na simple sya. Sabi ng iba, mind games lang daw yung bootcamp. Parang poker ba? Paano yan, hindi ko nga alam kung pano takbo ng larong poker eh. Games of the generals lang ang mind game na alam ko, hindi pa ako manalo-nalo. Buti nalang talaga mahina ako sa Ingles. Baka sakaling pag nasa loob na ako ay pasok sa kanan at labas sa kaliwang tenga lang lahat ng marinig ko. Maaaring ngitian ko pa sila kahit na inuutusan na akong mag push-up. Buti nalang din hindi sila marunong mag Tagalog. Atleast malayang gumana ang neurons ko in Tagalog. Masambit ko man ang mga salita, hindi naman nila maiintindihan. Haha. Takte ang babaw ng kaligayahan. Dyan mo minsan masusukat ang pagkatao ko. Pag kinakabog na, nagiging sabaw. Erase. Erase. Erase. Balik sa totoong topic. Ayun nga. Natatakot nga ako. Bakit ako pa ang natatapat sa kamalasan? Why me?! Papasok na nga ako sa bootcamp ng walang Rating, napaaga pa training ko, at higit sa lahat hanggang ngayon hindi ko pa natatangal bilbil ko. huhu. Bahala na. Patigasan nalang ng muka. Dun naman ako magaling. Bakal na toh. Sana lang wag kalawangin. |
the citygirl inme
is trying to live a country life now in the rainbow state of Hawaii. I am a city girl trapped in a county of less high rises to none. No bright lights at night. No loud noises of cars in busy streets. No parties. No nothing. |
links to click
Watch out for me at: Multiply Plurk No Tumblr. No Twitter. Yet. Bloggers I follow collapsing barrycade alpsaguado Phlog-oh-ten constellation dramaholic krungkrungchronicles my toilet queencrisel Cami C link link D link link rewindbacktrackstop
+ Blurry + Pink Parker for Cancer + Scrap Those Crap Crops + On the dot + YM: 'Y'ou're 'M'ine + Heroic Vicodin Popper + Goodbye '09. Hello 2010! myglassdoor
+ December 27, 2009 + January 3, 2010 + January 10, 2010 + January 17, 2010 + February 7, 2010 + July 11, 2010 ithankyou
An accidentality production Inspiration from DancingSheep & BONBON:D |
blahblahblah
|
||||